"Naku naman, MJ! Kaya ka nawawalan ng mga 'readers' ng blog mo, di ka naman nag aapdeyt! Tapos ppwersahin mo mga kaibigan mo na basahin ang blog mo pag may post ka. Bruha ka talaga! Amff!"
O ayan, nasermonan ko na sarili ko ha (mahirap na talaga maging praning).. Wag na kayo magalit pag pinuwersa ko kayong basahin uli toh blog ko, hehe! Peace!
Teka, interbyuhin ko muna sarili ko (praning na talaga):
T: Eh bakit nga ba kasi di ka makapag-apdeyt ng madalas?
S: Kasi naman tinamaan ako ng depresyon nung mga nakaraan araw, linggo o buwan. Mahirap kaya mag isip ng ipopost pag nag eemote ka.. (uso yon?)
T: Emote ka din nung pasko?
S: Mejo. Wala kasing nagbigay ng regalo, kahit isa. At konti lang ang mga nag greet saken, waaahh! T.T Ang salbahe ko kasi ng buong taon, napasama yata ako sa 'Kulit Listahan' (naughty list) ni Santa. (maniwala pa daw sa Santa.. ang tanda-tanda na eh).
T: Malapit na New Year. Anu-ano New Year resolution mo?
S: Madami. Di ko na sasabihin baka di ko pa magawa.
T: Ah ok, cge. Happy New Year na lang sayo :)
S: Happy New Year din sayo! :D
At dyan po nagtatapos, o nag umpisa, ang aking kabaliwan. Cge, sa uulitin! ;D
p/s (pahabol sulat): Happy New Year sa inyong lahat! :D
No comments:
Post a Comment