Tuesday, November 23, 2010

Multo ba o Guni-guni?

Babala sa mga magbabasa. Kung kayo ay nakain sa kasalukuyan, wag nyo munang basahin toh. Huminto muna kayo at tapusin ang pagkain (uminom na din kayo) bago nyo ituloy ang pagbabasa. Ayan, nagpauna na ko ha! Walang magrereklamo :P

------------------

Kanina pag gising ko at pagkatapos kumain, nagpunta ako sa banyo para magbawas ng sama ng loob, in short, para umebz. Nung nandon na ko sa loob ng banyo at uupo na lang sa inidoro (o inudoro?.. i mean, toilet bowl) ng biglang may sumigaw ng:

"JUNE!!!"

Sa gulat ko, napatayo ako at nagsuot uli ng salawal. Buti na lang di pa ko nakakaumpisa. Boses ni mama yung narinig ko, so binuksan ko ang pinto at:

Ako: Pooo?!? (walang sumagot)

Ako uli: Ma?!? Bakettt?!?

Si Mama: Ha? Baket?

Ako: O.O Ha? Di ba tawag nyo ko?

Si Mama: Hindi ah.

Ako: Narinig ko tinawag nyo ko eh.

Si Mama: Hindi. Ano? may mumu?


----------------------

Heheh.. Aga-aga, may mumu? Sowz!!! :P *sabay tingin sa bintana*

So nagbalik ako sa bisnes ko na naudlot dahil sa sigaw.. at lumipas ang dalawang minuto lamang, habang kasalukuyang nagbabawas ako ng sobrang sama ng loob, ng biglang:

Si Mama: Haa?

Ako: ??? O.O

Si Mama: *katok sa pinto ng banyo* Baket? Tumawag ka?!?

Ako: Haa?!? Hindo po!

Si Mama: O.O Ha? Narinig ko tumawag ka eh.

Ako: Na ebz ako ehh!!


---------------------

Amff! Imbis na matakot ako, inis ang naramdaman ko.

Kundi ba naman pasaway ang mga boses na narinig namin.. kung kelan may ginagawa akong importante saka naman nang iistorbo! >_<

Sinong matatakot sa kanila, Kung pwede ko nga lang sila murahin ng hindi ako magmumukhang tanga ginawa ko na. Aga-aga, pasaway! Amff! :P

1 comment:

Rina said...

Bwusit na mumu istorbo! wahahaha!

Naalala ko dati, ganyan kami sa dati namin tinitirahan.. may nanggagaya ng boses, laging may tumatawag ng pangalan namin. Ang mas nakakatakot na experience ko dyan, magaling din silang kumopya ng hitsura ng kasama sa bahay katulad nung pag uwi ko galing school.. nakita ko nanay ko nasa kusina so binati ko, naka 3x yata akong nagtanong di sya sumasagot. Sa sobrang pagod humiga ako sa sofa at pumikit sandali (5 sec lang akong pumikit at bumangon para umakyat sa kwarto) pagtingin ko sa kusina wala na nanay ko, so tinawag ko sabi ko matutulog muna ako.. walang sumasagot kaya nagpasya akong puntahan sa kusina at sa banyo pero walang tao.. inisip ko ang bilis naman lumabas ng bahay nun kasi dadaanan nya ako bago sya makalabas ng bahay at maririnig ko tunog ng pintuan. Sa isip ko.. lakas ng trip ng nanay ko ah! di man lang ako pinansin samantalang pag-uwi ko lagi akong binabati nun. Biglang bumukas ang pinto at pumasok nanay ko, sabi nya O! ang aga mong dumating! yay! kinilabutan ako! wahahahahaha! sabi ko, kanina pa kita kinakausap di mo ako pinapansin.. ahahahaha! sabi ba naman.. ngayon lang naman tayo nag-usap ha, kadarating ko lang galing palengke.. nyahahahaha!