Tuesday, June 30, 2009

Swine Flu, atbp..

Dumadami ang case ng swine flu dito sa Brunei, kaya naman hindi pinapasok ng MOE ang mga estudyante sa lahat ng levels. Kasama na din syempre yung mga estudyante namin dito. Kaya naman sobrang nakakabingi ang katahimikan ngayon. Bukod sa mga unggoy at ibon, wala ka ng maririnig na iba pang ingay dito. Hmm, minsan pala may mga dumadaan na sasakyan at tao na dumadagdag sa ingay.

Bagong pintura ang eskwelahan namin ngayon, kaya eto ako ngayon parang aso - kahol ng kahol (inuubo po!). Umatake na naman ang hika ko dahil sa amoy ng pintura. Kung bakit ba naman sa dinami-dami ng panahon o araw, ei ngayon pa naisipan ng boss ko magpapintura! kainis talaga! hmpf! >,<

Miss ko sya. Alam nyo na. Si Panda. Haiz, isang bwan na din kaming walang kibuan. Kayang-kaya nya talaga kong tiisin. Nasasaktan pa din ako. Hindi naman kasi ganon kabilis mawala yung feelings ko sa kanya. Mahal ko pa din sya. Wala pa din nagbago. Hinihiling ko lang sana, na makarecover na ko kahit papano. Masyado na din kasi naaapektuhan ang health ko. Sana naman makaya ko na. Sana yung last week na yung huli kong iyak.

Sana. Please. Sana.

No comments: