Thursday, June 25, 2009

HB 25..

May sakit ako. Umatake na naman ang asthma ko. At mula pa kahapon, sobrang sakit na ng ulo ko.. Siguro dahil sa panahon; siguro dahil sa stress sa work; o siguro dahil sa iyak ako ng iyak kagabi hanggang madaling araw..

Wala pa ko halos tulog, pasado ala-una na ko nkatulog kagabi tapos ngising ako ng mga alas-kwatro. Di na ko nkatulog, iyak na ko ng iyak; di ko mapigil, haiz.. Kelangan ko kasi ilabas lahat ng sama ng loob ko, kundi mahihirapan ako huminga..

Akala ko makaka-move on na ko, di pa pala. Bumabalik-balik pa din ang sakit at sama ng loob ko sa tuwing maaalala ko si panda..

Dapat 4th monthsary namin ngayon ei.. Kaya HB 25 ang title ng post ko, kasi ibig sabihin non 'Happy Birthday 25'. Happy birthday kasi ang greet namin sa isa't-isa pag monthsary namin..

Naalala ko yung pangako nya saken dati na pagbalik nya from Pinas magiging mas masaya kami.. walang nangyari. Kabaligtaran lahat ng mga pangako nya ang nangyari.

Ang sakit. Hanggang ngayon sobra kong nasasaktan ='( Minsan talaga di ko makaya kaya iyak ako ng iyak hanggang sumpungin na ko ng asthma.

Mahal na mahal ko sya. Miss na miss. Walang nagbago sa nararamdaman ko sa kanya. Samantalang sya.. may iba ng mahal..

Ang sakit talaga, pramis ='(

No comments: