Tuesday, November 01, 2005

sakit sa ulo...

sakit ng ulo ko…. kahapon ang huling payment ng exam registration dito kaya naman ang daming nagbayad… nakakainis nga kc since oct 08 pa ang open ng exam registration.. kung bakit ba naman ang mga studyante dito, kung kelan deadline na tsaka maaatat magbayad! bwiset!!! nag-iisa pa naman ako dito, dahil nga konti na lang kming staff.. yun ksma ko naman local hanggang 9am – 4pm lang ang pasok kc nga puasa nila…

last friday at kahapon, full shift ako (morning, afternoon & night ang pasok ko)... bale 9am – 10pm… ireplace ko na lang daw yun hrs. na pinasok ko, sabi ng boss.. dahil nga wla naman bayad ang OT dito.. ang tanong.. kelan ko naman kaya yon marereplace?!?.. konti na nga lang ang staff dito, mawawalan pa ng isa kung magrereplace ako.. hay nako! bahala nga cla sa buhay nila! bwiset!!! bsta kukunin ko yun replacement ko!!! tapos!!! hmmmffff!!!

pro malamang every saturday ko lang makuha mga replacements ko… ksi yun lang yon time na lahat may pasok, so at least meron papalit sakin pag wala ako.. may magreresign nga pa lang dlwang titser uli dito.. hay nako! cgeh umalis na kyo lahat! wag na kayo babalik haa?!? ng magsara na toh lintek na ewan na toh! grrr!! ng makaalis na din meh dito ng wla ng mahabang diskusyunan (tama ba?.. bsta! discussion ibig ko sabihin don!) samen nina mama… ano pa ba pag uusapan di ba? kung magsasara na cla…

kagabi nga, sa sobrang dami ng iresponsableng students dito.. sarado na ang exam registration, may mga nagreregister pa... wala naman kming magawa, kung di pagbibigyan hindi cla mkaka-register at makakuha ng exams, tpos ikaw pa sisisihin o etong skul... kaya yun iba pinagbigyan pa ng boss ko… di nga cla magreregister o di nila malalaman na exam registration na pala kung di mo tatawagan isa-isa ei! ksi mga hindi marunong tumingin sa notice board o hindi pumapasok kya pag inannounce na yun exam registration sa klase, hindi nila alam!!! and to think na mga college students na toh ha! tlgang nakakapag-init ng ulo! yun iba ang tatanda na! mas matanda pa samen mga staff dito.. mga may trabaho na… may mga pamilya’t anak na.. 30-40+ na! wala pa din common sense or sense of responsibilities! anoh ba yun!!!

kaya naman inabot ako ng lagpas pa sa 10pm dito kakaregister sa knila.. tapos nag uwian na mga ksma ko.. yun isa lang ang naghintay sakin sandali.. pro nauna na din umalis.. eh kesa naman maiwan ako mag isa dito ng wla man lang katao-tao sa paligid, not to mention na yun bundok na malapit dito ay nkakatakot, at ayoko din mag drive ng sobrang gabi na ksi bka magka-road-block pa.. umuwi na ko at dinala ko na lang un mga reports sa bahay… ayoko na rin gumawa ng reports ngayon umaga, kaya nag-decide akong tapusin na ang lahat!.. ng reports ha…

kumain lng meh sandali tapos ginawa ko na yun mga reports.. inabot lang nmn ako ng hanggang 12.30am bago ko natapos lahat yon… ang kinatuwa ko lang don sa pag gawa ko ng reports… ay yun nakuha namin mga collections.. hehe.. malaki-laki din yun naging collections namin.. cguro naman mabibigay na nila lahat nun sahod namin noh!!! SANA.

uh… alis muna ko.. may gagawin lang uli.. as usual! panibagong reports na naman!...

No comments: