Tuesday, November 08, 2005

love... pag-aasawa... kasal... anak... ano pa?.. hmmnn?...

kagagaling lang ng mga kaibigan ko (Bhing & Jerson) dito kasama ang kanilang anak na lalaki (Salem Jerome). 6 months pa lang ang baby nila pero parang ang laki na… parang 1 yr old na… pumunta cla dito sa work ko pra ibigay yun invitation. binyag ng anak nila sa Sunday. isa ako sa ninang ng kanilang anak... may 10 pinanganak un baby nila =) ako din ang isa sa mga abay nila last time nun kinasal cla. i’m so happy for my friend Bhing. isang taon na din kaming di nagkita, kaya naman chikahan agad kami knina. di na daw sya nagwowork para may mag-alaga sa anak nila, bale dependent sya ngayon ng asawa nya.

yun fren naman namin na si Karen, nanganak na din.. halos magkasunod lng cla nun manganak. babae naman ang anak nya… si antoy naman, yun isa namin fren na kinasal lang recently, kapapanganak lang ng misis nya (hindi po sya =P) last nov. 04 daw (hari raya d2 non – holiday ng Brunei)… si jun naman na recently lang din kinasal, bale malapit ng manganak un misis nya…

etoh yatang taon na toh maraming kinasal dito na mga kakilala namin… yun ngang dalawa namin na fren na cna antoy at jun, kinasal recently lang… tpos sa nov. 25, sina kuya jomar at ate ghee naman ang ikakasal… fren ko din cla… actually, colleague ko si kuya jomar at yun kuya nya, si kuya jonn… colleague ko din dati un pamangkin nila na si gianne na ngayon ay nagwowork na sa ibang co. si ate ghee naman, dating colleague ng tita ko… kinuha nilang ninong sa kasal nila ang dad ko. halos lahat na ata ng mga Filipino dito magkaka-connected ei, hehe! =^_^=

grabeh!!! nagka-sakalan na (kasalan pla =P) at nagka-anakan na lahat! pti mga pinsan at mga kaibigan ko sa Pinas, lahat may pamilya na… iilan na lang sa mga kaibigan ko dito ang di pa kasal.. *bilang muna* hmmm.. wah! 3 na lang pla.. yun dalawa may mga bf na at matagal na din cla nun mga bf nila, so anytime pwede na din cla magpakasal…

kaya pla! kaya pla halos atatin na din ako ng parents ko mag-asawa… cla na lang kc ang wlang apo! *mainggit daw ba* pti mga kapatid ko gusto na ko mag-asawa, gusto na daw nila ng pamangkin at bata sa bahay! minsan nga pag naiinis na ko (pro ayokong ipakita na inis na ko) dahil sa kapaparinig nila, pabiro ko na lang na sinasabi na.. kung gusto nla mag-ampon na lang ako.. pra may bata dito sa bahay…

ei ksi naman di ba? ano naman kayang magagawa ko? mang-hablot na lang ng kung cno matipuhan ko jan sa tabi-tabi?!? at sabihin “lika! pakasal na tyo! gusto na ng apo ng parents ko at pamangkin ng mga kapatid ko ei! ano pa hinihintay mo? bilis!!!” duh! *roll-eyes*… my point is, hindi ganon kadali ang pagpapakasal at pag-aasawa!

ei ayan nga! nawalan pa ko ng bf! dahil kya pla daw umuwi non un ex ko, ei pra magpakasal sa dati nyang gf.. bale nagkabalikan pla cla ng di ko man lng nalaman *tanga! syett…* so nun bumalik sya dito at i-grit ako ng hapi 1 yr & 11 monthsary nun may 06… may asawa na pla sya ng lagay na yon! at nun may 07 nga nya ko binreyk! ang saya nya! grabeh! last sep 27 ko lng nalaman yon totoong dahilan!.. ang sabi nya ksi nun mkipg-break sya ay yun nga… marami daw clang family problems na dapat ayusin at mawawalan na sya ng time saken… nabanggit nya din yun tungkol sa religion nila… na kung nag-convert daw ako sa knila nun sinabi nya sakin… ???.. ewan! di nya na tinuloy yun sasabihin nya…bsta ang main reason nya ay… marami clang problema na dapat ayusin kya mawawalan na sya ng time sakin… yon! di na lang ako dinirecho na may iba na sya! madali naman akong kausap! hanggang sa huli nag cnungaling pa sya!.. mga lalake nga naman! duwag! cheh!...

o so yun nga… pno ka ba naman matutuwang mag-asawa nyan kung “mostly” (not all) naman ng makikita mong lalake ay mga wlang kwenta!.. hay… sori… pro not applicable po toh mga sinasabi ko sa “lahat” ng guys.. kya walang magrereact! esp. kung hindi kyo ganon, OK?!? i don’t need any violent reactions or defensive comments here..

mahirap na ngayon makakita ng matitino at totoong guys, so i hate to say this.. pro wla ko magagawa, kahit gustuhin man ng family at mga relatives ko na magkaron na ko ng asawa… sa ngayon, prang ayoko pa din… mahirap na… dadating din naman tyo jan ei… but NOT NOW.. PLEASE!... so tigilan nyo na ko.. lalo ko lang naiisip yun mga failed relationships ko pag pinipilit nyo ko mag-asawa & it makes me retreat more!... parang lalong ayaw ko mag-asawa o mag-bf… bsta sa ngayon, hanggang crush lng ako! at least safe un.. ksi crush lang naman un… at mas safe kung magkaka-crush ka sa taong di ka kilala… at least di kyo magkakadevelopan.. di mauuwi sa love… tpos di mauuwi sa hiwalayan uli… di ka masasaktan uli… esp. kung di ka pa handa… saka na yon… paghanda ka na uli tlga magmahal… at kung kaya mo na uling mag-risk na masaktan, di ba..? yun lang naman…

No comments: