Monday, January 03, 2011

Aray!! =s

araayy!! nirarayuma na yata ako ah! hahaha! ang sakit ng mga binti ko! oww~ =s

malamang yung paglakad ko toh kahapon sa recreational park eh. nabigla yata ang mga masel ko sa mga binti.

muntik pa ko mahulog don sa matarik na hagdan, buti na lang may kapitan. kakaduling naman kasi yung kulay: itim at pula! o di ba parang mala-impyerno ang kulay! :P

sensya na, wala akong pics.. bisi ako sa pag monitor ng hininga ko eh. pakiramdam ko nga hihikain na ako.

ang hirap talaga yung walang exercise, tapos biglaan. bugbog ang pakiramdam mo.


ako ang pinakamabagal maglakad, pero ok lng. enjoy ko naman ang scenery :P

nung last round na ko nagmadali kasi baka iwan na nila ko. ayoko nga maglakad pauwi =s

ok naman din, parang mejo lumuwag yung mga buto-buto ko. madali ng igalaw. hindi na stiff.

hmp, di bale.. masasanay din ako! ako pa ;)

cge, sa uulitin!

1 comment:

Caustic said...

Isa ako sa mga taong walang exercise dahil parte ng trabaho ko ang umupo buong araw buong madamag.

Nasubukan kong umakyat ng bundok noong Holy Week. I swear malapit na akong mamatay non :D