Friday, February 24, 2006

Sabi Ko Nga

by: MJ Christine

I

Nagsimula sa kras
Nauwi sa pag ibig
Puso kong dati'y nananahimik
Muling bumilis ang pintig...

Ayoko na sanang pansinin
At baka muli lang masaktan
Ngunit puso ko'y sadyang pasaway
Eto nga... nahulog na ng tuluyan...

** Sabi ko nga...
Ayoko na...
Umibig pang muli...

Sabi ko nga...
Sobra na...
Ang naranasan na sakit...

Ngunit bakit ngayon
Nandito ka
Bakit di ko mapigil?
Puso kong nananahimik
Binulabog mong muli...

II

Ganda na sana...
Masaya na...
Nahanap ko na ang tunay na pag ibig
Pero bakit ganon?
Hanggang don lang pala
Ang kayang ialay sakin...

Kahit totoo ang nararamdaman
Di na pwede pang ipilit
Puso mong tunay man magmahal
Ay meron ng nagmamay ari

(Repeat *)

Hay...
sabi ko nga...

COPYRIGHT . February 23, 2006

2 comments:

Yari said...

masaya? what it means for you that word. Masaya is the city where I was borned.

hug and kisses from Canada

MJ said...

hi yarilyn! =) "Masaya" in tagalog (Filipino language) means "Happy" =^_^= so u were born in "Happy City!" hehe! =^_^=